Advertisement

PART 2 : TEACHERS NAGCOMPLAIN KAY TULFO | RAFFY TULFO’s LATEST VIDEO

PART 2 : TEACHERS NAGCOMPLAIN KAY TULFO | RAFFY TULFO’s LATEST VIDEO #RaffyTulfoInAction #RaffyTulfo #BITAG

Para sa mga di nakaka alam ito po ang iba pang seryosong information

CLICK NYO LANG PO ITONG LINK NA ITO

Atty. Joseph Noel Estrada, Gng. Melita Limjuco, Raffy Tulfo

Mainit na usapin ngayon sa social med ia ang pagkakatanggal ng lisensya sa isang guro na ipina-Tulfo dahil sa pagpapahiya umano sa isang estudyante.

Marami ang nagpahayag ng suporta sa gurong si Gng. Melita Limjuco dahil sa hindi umanong makatarungang ginawa sa kanya.


Isa na rito si Atty. Joseph Noel Estrada na isang abogadong nagmalasakit na gustong tulungan si Teacher Melita. Ayon sa kanya, kailangang marinig ang panig ng guro para malaman ang katotohanan.

"The public school teacher deserves the right to be heard. Ang nakita lang po natin ay ang video," ani Atty. Estrada.

Dagdag niya hindi deserve ni Teacher Melita na matanggalan ng lisensya. "Kawawa naman. 29 years as a public school teacher, she does not deserve this public humiliation and ridicule or lose her job and license to teach," aniya.


Eto ang buong pahayag ni Atty. Joseph Noel Estrada sa kanyang Facebook page:

Kasama ko na po si Teacher Melita. Sasagutin po namin sa tamang forum kung meron pong complaint sa kanya. Pero sana po ay wag pagpyestahan sa media ang video at ang interview nya sa isang tv program.

Kawawa din ang mga anak nya na OFW na pati sa mga katrabho nila, balitang balita na ang nangyari sa ina at lubos silang nag aalala.

Una sa lahat hindi nya alam na naka live sa tv ang usapan nila ng host. It’s unfair to her. This is violative of her right to due process.

Pangalawa, ang cctv recording ay hindi dapat ipinapakalat ng walang pahintulot ng mga tao na nakuhanan. Sino naglabas? Hindi lang po si teacher ang nasa cctv recording, may mga menor de edad din sa video.


The public school teacher deserves the right to be heard. Ang nakita lang po natin ay ang video. Pero hindi po alam ng karamihan na kaya pinalabas ang bata sa classroom ay nakikipag away din ito sa kaklase nya. Bukod pa sa hindi nito pagsaoli ng card na paulit ulit nang pinapaalala, may nakaraan nang insidente kasi na natapunan ng tubig ang card ng bata nang isaoli ito. Kaya sguro ganun na lang ang kagustuhan ni teacher na maibalik na ito.

Nagkaroon na ng pag uusap sa harap ng principal ang lola at magulang ng bata at humingi na din ng paumanhin si teacher. Ngunit ang gusto nila ay mag resign na si teacher at matanggalan ng license. At nang hindi ito nangyari, sila ay dumulog sa isang tv program. Kawawa naman. 29 years as a public school teacher, she does not deserve this public humiliation and ridicule or lose her job and license to teach.

Tandaan po natin, our teachers are special parents of the students while they are in their supervision, instruction, or custody. As special parent, the teacher’s authority includes the duty discipline the students.


I do not see any abuse done by the teacher. The disciplinary action imposed by the teacher is the necessary consequence of the child’s misconduct.

Paalala din po sa mga magulang. Our duties as parents include, coordinating and cooperating with the school in implementing school discipline.

I also encourage everyone to make sure the personal details and photos or videos of minors involved are not shared or divulged.

Salamat po.

Disclaimer: Videos used belong to rightful owner.

Source: Atty. Joseph Noel Estrada / Facebook


Support :

Source Image :
BITAG OFFICIAL

RAFFYTULFO,TULFOINACTION,BITAG,

Post a Comment

0 Comments