KABILANG ang TnT KaTropa at San Miguel Beer na nagharap sa finals ng PBA Commissioner’s Cup sa mga kalahok sa gaganapin Terrific 12 tournament sa Macau sa susunod na buwan. Ito ang masayang ibinahagi ng mga opisyal ng Asia League. Ayon sa CEO ng Asia League na si Matt Beyer, tiyak na tataas ang antas ng kompetisyon sa pagsali ng TnT Katropa at ng San Miguel Beer, na kauuwi lamang ng kampeyonato sa huling komprehensya. Idagdag pa dito ang partisipasyon ng ibang kuponan sa PBA tulad ng Blackwater sa torneyong gaganapin sa Setyembre 17-22.
0 Comments